Sunday, February 8, 2015

GOMBURZA: Ang Tatlong Paring Martir

Ang salitang Gomburza ay nabuo mula sa pangalan ng tatlong pari, na sina Padre Jose Burgos, Padre Jacinto Zamora, at Padre Mariano Gomez, na binitay noong 17 Pebrero 1873 ng mga Espanyol dahil sa pagbibintang sa kanila sa kaso ng subersyon at pag-uugnay sa kanila sa nangyaring rebelyon sa Cavite noong 1872. Dahil sa kanilang hindi makatarungang kamatayan, sumiklab ang damdamin ng mga Pilipino at nag-iwan ito ng matinding epekto, lalong-lalo na kay Jose Rizal. At dahil dito, inialay ni Rizal ang El Filibusterismo sa kanila.


Padre Mariano Gomez

Ipinanganak noong 2 Agosto 1799 sa Santa Cruz, Maynila, si Mariano Gomez ang nauna na binitay sa Bagumbayan at ang pinakamatanda sa tatlong martir. Siya ay nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas at nagsilbi bilang pari ng parokya sa Bacoor, Cavite. Itinatag niya rin ang pahayagan na La Verdad (The Truth) kung saan ipinapakita nito ang hindi magandang kondisyon ng bansa. Inilimbag din sa pahayagang ito ang mga liberal na artikulo ni Burgos.
Ang kanyang pamosong huling mga salita ay, “Let us go where the leaves never move without the will of God.”

Padre Jose Burgos

Si Jose Burgos, ipinanganak noong 9 Pebrero sa Vigan, Ilocos Sur, ang huling binitay sa tatlong paring martir. Siya ang pinakanatatangi sa tatllong pari dahil sa siya ay nagtamo ng dalawang titulo sa pagkadoktor, isa sa teolohiya at isa pa sa canon law. Isa rin siyang prolipikong manunulat at konektado sa Manila Cathedral.
Ang kanyang kamatayan ang pinakamadula sa lahat. Isa sa mga detalye ng kanyang kamatayan ay nang siya ay tumayo at sumigaw na, “Wala akong ginawang anumang kasalanan!” (“But I haven't committed any crime!)
Padre Jacinto Zamora
Ipinanganak noong 14 Agosto 1835 sa Pandacan. Iniugnay siya sa rebelyon sa Cavite noong 1872 dahil sa kanyang imbitasyon na may nakasaad na,“Grand Reunion... our friends are well provided with powder and ammunition.” Ang mga pahayag na ito ay maaaring mangahulugan ng pagrerebelde, ngunit ito ay isa lamang paanyaya ni Zamora sa kanyang mga kaibigan na sila ay maglaro ng panguigui, isang kilalang laro sa baraha, at ang salitang powder and ammunition ay mga simbolo lamang na sila ay may sapat na salapi upang maglaro buong magdamag.


People Power Revolution ng 1986

Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan (InglesPeople Power Revolution), na tinatawag ding Rebolusyon sa EDSA ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap ang mga demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isang mahalagang daan sa Kalakhang Maynila.



Saturday, February 7, 2015

Intramuros

Ang Intramuros, na matatagpuan sa timog ng Ilog Pasig, ay ipinatayo ng mga Kastila noong ika-16 na siglo at ang pinakamatandang distrito ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Ang pangalan na Intramuros ay nangangahulugang "nagsasanggalang na pader", na tumutukoy sa kuta o lungsod na napapalibutan ng pader. Noong kapanahunan ng mga Hispano, ang Intramuros ay ang mismong Maynila. Ito ay sinira ng mga Hapones sa dahilang ito ay ang pinakamagandang parte ng Maynila, muling inayos noong Hunyo 16, 1952.

Emilio Aguinaldo

Si Emilio Aguinaldo y Famy (22 Marso 1869–6 Pebrero 1964) ay isang Pilipinong heneral, politiko at pinuno ng kalayaan, ay ang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (20 Enero 1899–1 Abril 1901). Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidosang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tiehanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas.Siya rin ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas.

Si Emilio Aguinaldo y Famy ay isang Pilipinong heneral, politiko, at lider ng rebolusyon laban sa Espanya at Estados Unidos. Ipinanganak siya sa Cavite el ViejoCavite noong 22 Marso 1869 kina Carlos Aguinaldo y Jamir at Trinidad Famy y Valero (1820-1916) Si Don Carlos ay isang gobernadorcillo at dahil may lahi siyang Tsino, Tagalog at Mestizo, nagkaroon sila ng yaman at kapangyarihan. Bilang bata, nakatanggap siya ng edukasyon mula sa isa niyang lola at maya-mayang nag-aral ng elementarya sa paaralang elementarya ng Cavite el Viejo noong 1880. Pagkatapos, nag-aral naman siya ng sekundarya sa Colegio de San Juan de Letran, ngunit, tumigil siya noong nasa ikatlong taon na siya para tulungan ang kanyang nabiyudang ina na patakbuhin ang kanilang bukid. Sa edad na 28, si Miong ay naging cabeza de barangay sa Binakayan, ang pinakaprogresibong barrio sa Cavite el Viejo. Hinawakan ang posisyon na ito ng 8 taon. Noong 1893, ipinasa ang Maura Law na ibinago ang sistema ng lokal na gobyerno, binago nito ang tawag na gobernadorcillo sa capitan municipal. Kaya noong 1895, si Aguinaldo ang pinakaunang taga-Cavite el Viejo na tinawag na capitan municipal.
Noong 1894, sumali siya sa Katipunan o ang K.K.K., isang sikretong organisasyon na pinamumunuan ni Andres Bonifacio, at dedikado itong organisasyon upang maitaboy ang manlulupig na Kastila at makamit ang kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng dahas. Ginamit niya ang nom de guerre na Magdalo, para kay Maria Magdalena. Ang kanyang sangay ng Katipunan na pinamumunuan ng pinsan niya na si Baldomero Aguinaldo ay tinawag ding Magdalo.
Nagsimula ang Rebolusyon sa San Juan del Monte (siyang lungsod ng San Juan, Metro Manila). Ngunit sa simula ay hindi sumali ang sangay ni Aguinaldo dahil sa kakulangan ng armas, na isa sa mga dahilan ng pagkatalo ni Bonifacio sa Pinaglabanan. Habang napilitan sina Bonifacio na gumamit ng gerilya para makilaban, nanalo sina Aguinaldo sa iba't ibang laban na nakapagtaboy ng mga Espanyol ng panandalian.
Noong 17 Pebrero 1897, natalo nina Aguinaldo at ilang Katipunero ang puwersa na pinamumunuan ni Gobernador-Heneral Camilo de Polavieja sa Labanan sa Tulay ng Zapote sa Cavite. Si Heneral Edilberto Evangelista, inhinyerong sibil, rebolusyonaryo, at tagatayo ng trintsera, ay namatay sa labanang ito. Ang probinsiya ng Cavite ay naging importanteng lokasyon ng Rebolusyon at dito rin nakanalo ang Magdalo ng marami laban sa Espanya.
Ngunit, lalong nagkaroon ng malaking agwat ang dalawang kampo sa Katipunan, ang Magdalo at Magdiwang. Dahil dito, napilitan si Bonifacio na mamagitan sa dalawang kampo. Naisip ng Magdalo na magtayo ng sarili nilang gobyerno. Si Bonifacio, kahit para sa kanya na ang Katipunan ay gobyernong ganap, pinayagan niya at pinamunuan rin ang isang halalan na sinimulan sa Kumbensiyong Tejeros sa Tejeros, Cavite noong 22 Marso 1897. Nawala rito ang pamumuno niya kay Aguinaldo, at naboto bilang Ministro ng Interyor. Ito ay kinwestyon ni Daniel Tirona, na sinasabing hindi raw nararapat ito kay Bonifacio dahil siya ay hindi nakapagtapos sa pag-aaral. Nagalit si Bonifacio (nilabas ang kanyang baril at binaril na sana si Tirona kung hindi lang siya tumigil) at dineklarang null at di-wasto ang kumbensiyon. Napilitan si Bonifacio na bumalik sa Morong, Rizal
Hindi na kinilala ni Bonifacio ang gobyernong pinamumunuan ni Aguinaldo at sinimulang ibalik ang kanyang awtoridad, pinagbintangan ang paksiyon ni Aguinaldo ng pagtataksil at nagbibigay ng utos na taliwas sa mga utos ni Aguinaldo. Sa utos ni Aguinaldo, hinuli si Bonifacio at ang kanyang mga kapatid at sa isang mock trial, nahatulan ng pagtataksil at nasintensiyahan ng kamatayan. Pagkatapos ng pag-aalanganin, naisip niyang tanggalin ang hatol, ngunit pagkatapos makumbinse ni Heneral Manuel Noriel, Pangulo ng Konseho ng Digmaan, at iba pa, binalik ni Aguinaldo ang hatol. Pinatay ang magkapatid na Andres at Procorpio sa pamamagitan ng firing squad noong 10 Mayo 1897 sa Bundok Hulog na malapit ng apat na kilometro kanluran ng Maragondon, Cavite.
Habang tumitindi ang tensiyon, napilitan sina Aguinaldo na lumikas papunta sa mga bundok. Dito pinirmahan niya ang Kasunduan ng Biak-na-bato. Isusuko ni Aguinaldo ang kanyang gobyerno at itigil ang digmaan kapalit ng $800,000 (Mehikano) bilang kapalit. Pinirmahan ito noong Disyembre 14 at 15, 1897. Noong Disyembre 23, umalis sila sa Pilipinas papuntang Hong Kong para lumikas. Ang dala nilang $400,000 (unang installment) ay dineposito sa mga bangko sa Hong Kong. Dito, inayos ni Aguinaldo ang gobyerno at tinawag niyang Kataas-taasang Konseho ng Bayan.
Isang rebolusyonaryong heneral, si Francisco Makabulos, ay nagtatag ng Komiteng Ehekutibong Sentral na siyang naging pamahalaan habang wala sina Aguinaldo. Kahit pumirma si Aguinaldo, tuloy pa rin ang paghuli ng mga Kastila sa mga Pilipinong sumama sa rebolusyon. Dahil dito, nagsimula muli ang rebolusyon.
Noong Abril 1898, nagkaroon ng digmaan sa gitna ng Espanya at Estados Unidos. Sa Labanan sa Look ng Maynila, nanalo ang American Asiatic Squadron na pinamumunuan ni Commodore George Dewey at nasakop ang Maynila. Si Dewey ang nagbigay ng transportasyon kay Aguinaldo pabalik ng Pilipinas. Bumalik bigla si Aguinaldo sa kanyang posisyon at linusob ang Manila.
Pagkatapos ng pagsimula ng Digmaang Espanyol-Amerikano, bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas noong 19 Mayo 1898.
Noong Mayo 24, dineklara niya na siya ang lider ng buong militar at nagtatag ng gobyernong diktaturyal na siya bilang diktador.
Noong Hunyo 12, dineklara ang Kalayaan ng Pilipinas sa bahay ng mga Aguinaldo sa Cavite el Viejo, at binasa ang Batas na Nagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas. Ito ay sinulat sa baybay Kastila ni Ambrosio Rianzares Bautista, isang kapamilya ni Jose Rizal, na siya ring bumasa.
Noong Hunyo 18, dineklara niya sa pamamagitan ng dekrito ang opisyal na pagtatag ng kanyang diktadurya. Noong Hunyo 23, dineklara naman niya ang gobyerno na rebolusyonaryo at hindi na diktadurya, siya pa rin bilang pangulo.



Gregoria de Jesus

Si Gregoria de Jesus ay ipinanganak sa Kalookan noong ika-9 ng Mayo, taong 1875. Siya ay anak ng ulirang mag-asawang sina Nicolas de Jesus at Baltazara Alvarez. Siya ay kabiyak ng dibdib (asawa) ng supremo ng Katipunan na si Andres Bonifacio. Siya ay kilala sa bansag na "Ina ng Katipunan" , "Ina ng Himagsikan" at Lakambini ng Katipunan.[1]
Si Gregoria de Jesus na karaniwang tinatawag ng mga manghihimagsik na "Inang Oriang" ay nagkaroon ng mahalagang tungkulin sa Katipunan. Siya ang taga-ingat ng mga mahahalagang kasulatan dito. Pinamahalaan ni Oriang ang pagpapakain at pagpapagamot sa mga kasapi ng Katipunan na minalas na masugatan. Nang minsang may nagtraydor sa Katipunan ay itinuro siya na siyang naghahawak ng mahahalagang kasulatan ng Katipunan, subalit ang mga ito ay madali niyang naitago sa malayong lugar.
Nang madakip si Andres Bonifacio at ang kanyang kapatid na si Procopio, ay hindi na ito hiniwalayan ni Inang Oriang. Nang patayin sina Bonifacio ay hindi ito ipinaalam sa kanya. At nang malaman niya ito ay hinanap niya ang bangkay ng kanyang asawa ngunit ito'y hindi niya rin nakita. Napangasawa niya si Ginoong Julio Nakpil at sila ay nagkaroon ng limang na anak. Nagkaroon siya ng isang anak kay Andres Bonifacio ngunit ito ay namatay nang sanggol pa lamang.
Si Gregoria de Jesus ay namatay noong Marso 15, 1943 sa Maynila sa gitna ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Katedral ng Maynila

Ang Katedral ng Maynila, na kilala rin sa tawag na Minor Basilica de La Inmaculada Concepcion ay ang eklesiyastikong lunan ng Arsodiyosesis ng Maynila mula pa noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Ito ay matatagpuan sa loob ng Plaza Roma sa IntramurosLungsod Maynila.
Ang tanggapan ng obispo ng Maynila ay itinatag noong 1578, na may saklaw sa buong pulo ng Filipinas, at katulong ng tanggapan ng obispo sa Mexico. Dumating sa Filipinas ang unang obispo ng nasabing tanggapan, na si Domingo de Salazar noong 1581.
Itinayo ang Katedral ng Maynila noong 1581, na yari sa pawid at kawayan. Nawasak ang katedral sa bagyo noong 1582 at sa sunog noong 1583. Ang unang batong estruktura ay itinayo noong 1592 ngunit gumuho sa lindol noong 1600. Ilang pagpapagawa ang naganap mulang 1603 hanggang 1737 para patibayin ang simbahan. Ngunit nasira pa rin dahil sa lindol na tumama sa Maynila noong 1621, 1645 at 1749. Ang ikalimang estruktura, na may bagong disenyo ang patsada, ay nawasak din noong 3 Hunyo 1863 dahil sa lindol. Noong 1871 ay itinayo ang ikaanim na estruktura sa ilalim ng pangangasiwa ng mga arkitektong sina Luciano Oliver at Serrano Salavarria at ng mga inhinyerong sina Eduardo Navarro at Manuel Bazan. Ang maringal na estrukturang ito ay nawasak muli dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945.
Ang kasalukuyang Katedral ay ginawa noong 1954, sa ilalim ng pamamahala ng Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura na si Fernando Ocampo. Pinasinayahan ang nasabing katedral noong 8 Disyembre 1958 ng Arsobispo ng Maynila na si Rufino Jiao Santos. Itinaas ang ranggo ng katedral sa minor basilica noong 1981 ni Papa Juan Pablo II.
Ang Katedral ay gawa sa arikitekturang Romanesque-Byzantine at may pormang Baroque. Ang patsada ay binubuo ng dalawang palapag na bloke at may tatlong pasukan na may mga ukang arko. Ang mga pintuan ay yari sa tanso na inukit nina Alessandro Monteleone at Francisco Nagni. Nakadikit ang kampanaryo sa kanang panig ng gusali.
Ang Katedral ay himlayan din ng mga dating preladong nagsilbi sa Arsodiyosesis ng Maynila, kahintulad noong St. Peter's Basilica sa Lungsod Vatican. Kabilang sa mga ito si Michael J. O'Doherty, huling Amerikano at dayuhang Arsobispo ng Maynila, Rufino J. Santos, kauna-unahang Filipinong kardinal, Gabriel M. Reyes, kauna-unahang Filipinong Arsobispo ng Maynila at si Kardinal Jaime L. Sin.


Martsa ng Kamatayan

Ang Bataan Death March ay ang sapilitang pagpapalakad sa mahigit kumulang 70,000 bilanggo ng digmaan (prisoners of war o POW) na binubuo ng mga Filipino at Amerikano na nadakip ng mga Hapon sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagsimula noong 9 Abril 1942, ang pagmartsang ito ay nag-umpisa sa MarivelesBataan patungong San FernandoPampanga (na umabot ng 88 kilometro ang layo), hanggang CapasTarlac at muling naglakad ng layong 13 kilometro hanggang matunton ang Himpilang O'Donnell. Tumagal ang pagmamartsang ito ng anim na araw.

Noong 11 Marso 1942, sa utos ni Pangulong Theodore Roosevelt, Jr., nilisan ni Heneral Douglas MacArthur, kasama ang ilang tropang Amerikano, ang Corregidor patungong Australia. Sa pag-alis ng heneral, itinalaga si Jonathan Mayhew Wainwright IV bilang kahalili nito sa Corregidor, at si Heneral Edward P. King naman ang siyang naatasang mamuno sa pakikipagdigmaan sa Bataan. Unti-unting naramdaman ng kawal ng mga Amerikano ang paghina ng kanilang hukbo laban sa mga atake ng bansang Hapon. Maliban dito, naging madalang na rin ang pagdating ng mga rasyong pagkain, gamot at sandata mula Estados Unidos, at patuloy na dumarami ang nagkakasakit at napipinsala. Dahil dito, wala ng ibang alternatibo kundi ang pagsuko sa mga Hapon.
Ang pagbagsak ng Bataan noong Abril 1942 ay naging mabigat na dahilan upang humina ang depensa at tuluyang magapi ang Corregidor isang buwan ang makalipas. Ang pagsukong ginawa ng mga Amerikano sa Bataan ay siyang naging hudyat sa pagtatapos ng digmaan dito. Ngunit kasabay ng nasabing pagsuko at pagbandera ng puting watawat ay ang anim na araw na pagpapahirap sa mga sundalong Filipino at Amerikano sa tinaguriang Death March.

Kinilalang Death March, ang sapilitang pagmamartsa na ito ay nagdala ng matinding pahirap at trahedya sa mga sundalong napabilang dito. Ang mga sundalong Filipino at Amerikano na lumaban para sa depensa ng Bataan ay itinuring na mga bilanggo ng digmaan, o mas kilala bilang prisoners of war (POW). Sa pagsukong ginawa ni King kay Heneral Masaharu Homma, ipinaalam niya sa huli na marami sa kanyang pangkat ang may karamdaman at nagugugutom. Dahil dito, iminungkahi ni King kay Homma na siya na mismo ang magdadala sa mga sundalo sa Himpilan ng O'Donnel gamit ang kanilang sasakyang pangmilitar. Ngunit di ito inalintana ni Homma, bagkus ay pinanindigan nito na maging ang mga may kapansanan ay kinakailangang makilahok sa martsang magaganap patungo sa kampo na siyang magsisilbing kulungan ng mga bilanggo.
Umabot ng anim na araw ang nasabing martsa. Sa kasagsagan ng init ng araw, ang mga bilanggo ng digmaan ay walang tigil na pinaglalakad habang sila'y tinututukan ng baril ng mga Hapon. Nilakad nila ang kahabaan ng Mariveles, Bataan patungong San Fernando, Pampanga. Sa mga pagkakataong sila ay “pinagpapahinga,” sila ay puwersahan ding pinapaupo sa ilalaim ng matinding sikat ng araw ng walang anumang lilim. Ang sino mang manghingi ng tubig na maiinom ay dagliang pinapatay.

Sa unang yugto pa lamang ng martsa ay marami na ang nangamatay. Ang mga nanghihina at nabubuwal sa pila ng martsa ay binabayoneta ng mga Hapon, o di kaya'y pinagbabaril. Ang ilan sa kanila ay inaabuso at malabis na sinasaktan, habang ang iba naman ay hinahayaan na lamang masagasaan ng mga rumaragasang sasakyang-militar ng Hapon.
Gutom at uhaw, ang mga bilanggo ay lalong naghirap at ang kanilang buhay ay higit na nameligro. Minsan din silang binigyan ng pagkain, ngunit tila hayop silang pinakain ng mga panis na kanin. Nang sapitin nila ang Capas, Tarlac, animo hayop na iginapos ng mga sundalong Hapon ang mga bilanggo. Sa gabi, sila ay pinapatulog sa isang tila bodegang kwarto – masikip at madilim, at ang mga bilanggo ay parang mga sardinas na nagsisiksikan dito. Sa kasikipan, hirap na silang makagalaw, at halos mag-agawan sa hanging nilalanghap. Ang ilan sa kanila ay hindi na inabutan ng bukas, habang ang iba'y nagising sa piling ng mga nasawi na nilang kasamahan.
Mahigit kalahati na ang kanilang natatahak nang sila'y ibiyahe sa mga tren. Sa loob ng masisikip at maiinit na kahon ay marami na naman sa kanila ang namatay. Ang mga nakaligtas ay muling pinaglakad ng pitong milya hanggang sapitin nila ang Himpilan ng O'Donnell. Humigit kumulang sampung libo sa mga bilanggo ang namatay samantalang ang iba ay matagumpay namang nakatakas at narating ang kagubatan. Halos 54,000 na lamang ang nakarating sa kanilang piitan.

Tuwing sasapit ang 9 ng Abril ay ginugunita ng mga Filipino ang Bataan Death March bilang Araw ng Kagitingan (o Araw ng Bataan), isang pista opisyal. Kasama sa paggunita dito ay ang pag-aalay rin ng bulaklak sa mga bantayog na itinayo bilang pagkilala sa mga sundalong namatay sa mapagpahirap na pagmamartsa – sa Paggunita sa Capas (Capas National Shrine) sa Tarlac; at sa Dambana ng Kagitingan sa Bataan. Ang mga nabanggit na bantayog ay nasa pangangalaga ng pamahalaan ng Pilipinas.


Kalayaan ng Pilipinas

Idineklara ang kasarinlan noong 12 Hunyo, 1898, sa pagitan ng ikaapat at ikalima ng hapon sa Cavite sa pinamanang tahanan ni Heneral Emilio Aguinaldo, 30 kilometro timog ng Maynila. Nakita sa pangyayaring ito ang pagwagayway ng Pambansang Watawat ng Pilipinas, na siyang ginawa sa Hong Kong ni Marcella Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza, at ang pagpapatugtog ng Marcha Filipina Magdalo bilang pambansang awit, na kilalala ngayon bilang Lupang Hinirang, na siyang sinulat ni Julian Felipe at pinatugtog ng bandang San Francisco de Malabon.
Ang Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ay inihanda, sinulat at binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista sa wikang Kastila. Ang pagpapahayag ay inilagda ng 98 katao, kabilang na dito ay isang opisyal ng hukbong Amerikano na siyang nakasaksi sa proklamasyon. Ipinahayag ng huling talata na mayroong isang "estranghero" (extrangero sa wikang Kastila, na nangangahulugang dayuhan) na dumalo sa katitikan, si G. L. M. Johnson, na siyang inilarawan bilang "mamamayan ng U.S.A, isang Koronel ng Artilerya". Ngunit ang pahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas ay ipinatupad lamang noong 1 Agosto, kung kailan marami nang mga bayan ang binuo sa ilalim ng mga pamuntunang inilatag ng Pamahalaang Diktaturya ni Heneral Aguinaldo.
Kinalaunan, sa Malolos, Bulacan, binago ng Kongreso ng Malolos ang kapahayagan sa dahil sa paggigiit ni Apolinario Mabini na siyang tumutol sa orihinal na proklamasyon na nagpapahayag na ang Pilipinas ay inilalagay sa ilalim ng proteksiyon ng Estados Unidos.

Labanan sa Golpo ng Leyte

Ang Labanan sa Golpo ng Leyte, kilala rin blang ang Ikalawang Digmaan sa Karagatan ng Pilipinas, ay ang pinakamalaking labanan sa tubig sa kasaysayan ng mundo. Naganap ito sa mga anyong tubig na pumapaligid sa pulo ng Leyte, sa Pilipinas mula noong Oktubre 23 hanggang Oktubre 26 1944 sa pagitan ng mga Magkaka-alyadong Bansa at ang Kaharian ng Hapon. Nais ng mga Hapones na matalo ang mga sundalo ng Magkaka-alyadong Bansa sa Leyte matapos makuha ito sa mga Hapones sa Labanan sa Leyte. Ngunit, natalo ng mga sundalong Amerikano at iba pang mga kakampi nito ang hukbo ng Imperyal na Hukbong Pandagat ng mga Hapones. Ito ang pinakahuling pangunahing labanan sa karagatan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang "Labanan" sa Golpo ng Leyte ay isang kampanyang mayroong apat na magkakaugnay na labanan, ang Labanan ng Dagat Sibuyan, Labanan ng Kipot Surigao, Labanan ng Cape Engaño at Labanan ng Samar. Dito rin unang ginamit ang eroplanong kamikazee. Isang kamikazee ang tumama sa bapor-de-gerang HMAS Australia noong Oktubre 21
.

Andrés Bonifacio

Si Andrés Bonifacio y de Castro (30 Nobyembre 1863 – 10 Mayo 1897) ay isang Pilipinong makabayan at rebolusyonaryo. Binansagan siyang "ama ng Himagsikang Pilipino". Siya ang nagtatag at lumaon naging Supremo ng kilusang Katipunan na naglayong makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya at nagpasimula ng Himagsikang Pilipino. Kinikilala rin siya ng ilang mga dalubhasa sa kasaysayan bilang unang Pangulo ng Pilipinas, subalit hindi siya opisyal na kinikilala.


Anak si Andres nina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro ng Tondo, Maynila, at panganay sa limang magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay sina Ciriaco, Procopio, Troadio, Esperidiona at Maxima. Mananahi ang kanyang ama na naglingkod bilangteniente mayor ng Tondo, Maynila, samantalang ang kanyang ina ay isang mestisang ipinanganak mula sa isang Kastilang ama at isang inang may Pilipinong may lahing Tsino. Bilang kaugalian, isinunod ang pangalan niya sa kapistahan ng santo ng araw ng kanyang kapanganakan, si San Andres.
Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at pamaypay na gawa sa papel de hapon. Nagtrabaho din siya bilang clerksales agent at bodegista (warehouseman). Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni Jose Rizal at nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasama ni Apolinario Mabini.
Bagamat mahirap ay mahilig bumasa at sumulat ng mga bagay na may kabuluhan lalo na kung ito ay tungkol sa bayan, karapatang-pantao at kasarinlan ng inang-bayan. Siya ay may diwa ng paghihimagsik laban sa malupit na mananakop na Kastila. Siya rin ay nagnais na magbangon ng pamahalaang malaya na naging daan upang kanyang maitatag ang Katipunan na kakatawan sa himagsikan at upang maging wasto at panatag sa kanyang adhikaing kalayaan ng bayan. Noong 1892, matapos dakpin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag ni Bonifacio ang Katipunan o kilala rin bilang "Kataastaasan,Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan" (KKK), isang lihim na kapisanang mapanghimagsik, na di naglaon ay naging sentro ng hukbong Pilipinong mapanghimagsik. Kasama ni Bonifacio ay sina Valentin Diaz, Deodato Arellano (bayaw ni Marcelo H. del Pilar), Teodoro Plata(bayaw ni Bonifacio), Ladislao Diwa, at ilang manggagawa sa pagtatag ng Katipunan sa Calle Azcarraga (ngayon ay Avenida Claro M. Recto) malapit sa Calle Candelaria (ngayon ay Kalye Elcano).
Sa pagtatag ng Katipunan, kinilala si Andres Bonifacio bilang "Ama ng Rebolusyon" sa Pilipinas. Si Bonifacio at ang kanyang mga kasamahan sa Katipunan ay may iisang layunin na marahil ay siyang naging dahilan upang ang kanilang pakikidigma ay maging matagumpay.
Sa Katipunan, "Supremo" ang kanyang titulo at di naglaon nang itinatag niya ang Pamahalang Mapaghimagsik ay tinawag siyang "Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan". Dito rin niya nakilala si Gregoria de Jesus na tinawag niyang Lakambini. Noong 23 Agosto 1896, sa maliit na baryo ng Pugad Lawin (ngayo'y Bahay Toro, Project 8, Lungsod Quezon) sa Balintawak ay tinipon nya ang mga Katipunero at isa isa'y pinunit ang kanilang mga sedula.
Sa gitna ng rebolusyon, isang halalan ang naganap sa Tejeros, Cavite, sa kahilingan ng mga Katipunerong Magdalo na ang lumahok ay mula sa Cavite lamang. Nanalo sa pagka-pangulo si Emilio Aguinaldo, Lider ng Katipunang Magdalo at ang Supremo ay naihalal sa mababang posisyong Tagapangasiwa ng Panloob (Interior Director).
Dahil sa ang mga kasapi ng Magdalo ay mga may kayang tao sa hilagang-kanlurang bahagi ng Kabite at kanilang mga taga-sunod, ayaw nila kay Andres Bonifacio sapagkat ito ay isang laki sa hirap at ayaw nilang tanggapin na sila ay pinamumunuan ng isang mahirap na kagaya ng Supremo kaya't minamaliit nila ang kakayahan nito. Nang sinubukan ng mga kasapi ng lupon ng mga Magdalo na usisain ang kakayahan ni Andrés Bonifacio na gawin ang tungkulin ng isang Tagapangasiwa ng Panloob, na ayon sa kanila ay gawain lamang ng isang abogado, nainsulto si Bonifacio. Idineklara ng Supremo, bilang pangulo ng Katipunan, na walang bisa ang naganap na eleksiyon dahilan sa pandaraya sa botohan ng mga Magdalo. Dahil dito, kinasuhan si Bonifacio ng sedisyon at pagtataksil ng mga Magdalo. Habang hindi pa naka-aalis ng Cavite, siya ay ipinahuli at ipinapatay ni Aguinaldo sa kanyang mga tauhan. Iniutos kay Mariano Noriel na ibigay ang hatol sa isang selyadong sobre kay Lazaro Makapagal. Iniutos ang pagbaril kay Bonifacio kasama ang kanyang kapatid na lalaking si Procopio Bonifacio noong 10 Mayo 1897 malapit sa Bundok Nagpatong (o Bundok Buntis).
Noong 1918, sinikap ng pamahalaan ng Pilipinas na hanapin ang labi ni Andrés Bonifacio sa Maragondon. Ayon sa isang grupo ng mga opisyal ng pamahalaan, mga dating rebelde at isang lalaking nagpakilala bilang dating kasambahay ni Bonifacio, nahanap daw ang kaniyang mga buto sa isang taniman ng kawayan noong 17 Marso 1918. Inilagay ang mga labi sa huling pamamahala ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas, at itinipon ito sa Lumang Gusaling Batasan (ang kasalukuyang Pambansang Museo ng Pilipinas) hanggang sa nawala ang urna noong panahon ng Labanan sa Maynila  ng 1945.

Ang Pambansang Awit ng Pilipinas

Ang "Lupang Hinirang" ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Binuo ni Julian Felipe ang himig noong 1898 at ang mga titik ng awit naman ay inangkop mula sa tulang Filipinas na isinulat ni Jose Palma sa wikang Kastila nuong 1899.
Nagsimula ito bilang isang martsang pang-instrumental na ipinag-atas ni Emilio Aguinaldo na gamitin sa pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya. Marcha Filipina Magdalo ang unang pangalan nito ngunit binago at naging Marcha Nacional Filipina matapos hirangin ito bilang pambansang awit ng Unang Republika ng Pilipinas. Una itong tinugtog ng bandang San Francisco De Malabon sa araw ng pagpapahayag ng kalayaan noong Hunyo 121898. Ang mga titik ng awit ay idinagdag na lamang matapos isulat ni Jose Palma ang tulang Filipinas nuong Agosto 1899.
Naisipan ng pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos noong dekada 1920 na isalin ang pambansang awit sa Ingles mula sa Kastila matapos na mapawalang bisa ang Flag Law. Ang pinaka-tanyag na pagsasalin ay ang "Philippine Hymn" na ginawa nina Senador Camilo Osias at isang Amerikano na si Mary A. Lane. Ito ang ginawang opisyal na pagsasalin ng Kapulungan ng Pilipinas noong 1938.
Ang mga pagsasalin ng pambansang awit sa Tagalog ay ginawa noong dekada 1940. Ang pinaka-tanyag sa mga salin na ito ay ang O Sintang Lupa na sinulat ni Julian Cruz BalmacedaIldefonso Santos at Francisco Caballo. Ito ang naging pambansang awit noong 1948.
Nagbuo naman ng komisyon ang Kalihim ng Edukasyon na si Gregorio Hernandez upang baguhin ang mga salitang Tagalog ng pambansang awit noong panunungkulan ni Pangulong Ramon Magsaysay. Naging bunga nito ang pambansang awit na Lupang Hinirang na unang inawit nuong Mayo 261956. May mga kaunti pang mga pagbabago ang idinagdag nuong 1962 na ginagamit hanggang sa kasalukuyan.

Himagsikan ng 1896

Ang Himagsikang Pilipino o Himagsikan ng 1896 (1896—1898) ay isang labanan sa pagitan ng Imperyong Kastila at ng Katipunan.

Nang magsimula ang Himagsikan, mahigit 200 taon nang pinamumunuan ng mga Kastila ang Pilipinas. Noong panahong iyon, nasa kamay ng mga nangangasiwa sa Intramuros at sa mga prayle ang kapangyarihan sa kolonya, kahit sa katotohanan, sa prayle lang talaga ang kapangyarihan noon, dahil sa hawak nila sa mga karaniwang tao. Pinahirapan ng mga Kastila ang mga katutubo (o sa termino ng mga Kastila, indio) sa pamamagitan ng sobrang pagpapabubuwis at sapilitang pagpapagawa (polo). Dahil dito, ilang pag-aalsa na ang naganap sa Pilipinas sa mahigit 4 na siglo, lahat di nagtagumpay. Ito'y salamat sa patakaran ng mga Kastila ng divide et impera-hatiin at sakupin. Halimbawa, magpapadala ang mga Kastila ng mga sundalo mula sa mga lalawigang Tagalog para supilin ang isang pag-aalsa sa Ilocos, at isang pag-aalsa sa Kabisayaan ang pinigil ng mga sundalo mula Pampanga. Ito ang nagpatindi ng hidwaan sa pagitan ng mga Pilipino, hindi magkakaisa hanggang sa ika-19 na siglo.


Kung ano ba ang nagpalunsad sa Himagsikan ay mai-uugat sa mga panlabas at panloob na mga sanhi. Ang panlabas na sanhi ay ang pagbukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, dala ng pagbukas sa Kanal ng Suez noong 1869. Bukod sa mga produkto galing sa ibayong dagat, mga kaisipan tulad ng kalayaan at kasarinlan ay dumaan sa Suez at papunta sa Pilipinas-bagay na di lubos na nagustuhan ni ng mga nangangasiwa kulunyal o ng praylokrasya. Ang mga taong binago ng mga kaisipang ito ay siya ring nakinabang sa mapagkakakitaang kalakalang ito-ang mga ilustrado. Pinadala ng mga ilustradoang kanilang mga anak sa mga pamantasan sa Europa, kung saan sinimulan ng marami sa kanila (sina Rizal,Lopez-Jaena, atbp) ang nagtatag ng Kilusang Propaganda.
Ang panloob na sanhi ay ang walang-katarungang pagbitay sa GOMBURZA. Isang paring Pilipino, si Padre Pedro Pelaez ang nagpasimuno ng isang kilusang sikularisasyon noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Layon ng kilusang ito na ibigay sa mga paring katutubo ang mga parokya na hawak pa noon ng mga Kastilang pari. Pagkatapos na mamatay si Pelaez sa isang lindol, tinuloy ng tatlong pari-sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora.
Nagustuhan ng mga prayle ang bagay na ito at sila'y naghanap ng pwedeng maibintang sa tatlong pari. Natupad ito nang isang rebelyon ng mga sundalo sa moog sa Kabite ang madaling nasupil. Agad na isinisi ng mga prayle ang rebelyon (na pinamunuan ng isang nagngangalang Sarhento LaMadrid) kina Padre Gomez, Padre Burgos, at Padre Zamora (pagbawas sa suweldo ng mga sundalo ang sanhi ng rebelyon). Sa kabila ng kakulangan ng patunay na nagdidiin sa kanila sa rebelyon, hinatulan ang tatlo-kinilala pagkatapos bilang Gomburza-na garotihin noong 17 Pebrero 1872. Hindi pinayagan ng arsobispo ng Maynila (na naniniwala sa kawalang-kasalanan ng tatlo) na sila'y alisan ng sutana. Sa halip, inutos nito ang pagpapatunog ng mga kampana bilang tanda ng pagdadalamhati.
Marami sa mga kakampi ng Gomburza ang tinapon papalabas o kusang umalis sa Pilipinas. At marami sa mga Pilipinong piniling manatili ang nanghilakbot sa nangyari. Ilang taong lumipas, isang ilustradong duktor na nagngangalang Jose Rizal ang magpapatunay na ito ang nagbago sa kanyang buhay.


Ang Unang Misa sa Limasawa

Naganap ang Unang Misa noong araw ng Linggo ng Pagkabuhay , Marso 31, 1521 sa isang pulo ng Mazaua ayon sa mga saksing sina Antonio Pigafetta, Gines de Mafra, Francisco Albo, ang Henoes na piloto, at Martín de Ayamonte, sa lokasyon na malawakang tinatawag sa ngayon bagaman may kamalian bilang Limasawa, isang maliit na pulong bayan sa dulo ng lalawigan ng Katimugang Leyte, na sinasabi ring pinagsilangan ng Romanong Katolisismo sa bansa.
Idinaos ang makasaysayang pangyayari nang naitakdang dumaong ang Portuges na nabigador na si Fernando Magallanes sa kanluraning daungan ng pulo ng Mazaua.

José Rizal

Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda  (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896) ay isang Pilipinong  bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang tinitignan bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.
Pinanganak si Rizal sa isang mayamang mag-anak sa Calamba, Laguna at pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid,Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang medisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg.
Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela ng Noli Me Tángere, at ang kasunod nitong El filibusterismo. Isa ring poliglota si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu’t dalawang mga wika.
Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, isang samahan na naging daan sa pagkabuo ng Katipunan na pinamunuan ni  Andrés Bonifacio,, isang lihim na samahan na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Siya ay tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong pamahalaan sa mayapang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, at susuportahan lamang ang karahasan bilang huling dulugan. Naniniwala si Rizal na ang tanging katwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan, at kanyang winika “Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?” Ang pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang pagbitay dito ang naghudyat upang magsimula ang Himagsikang Pilipino.

Labanan sa Mactan

Ang Labanan sa Mactan ay naganap sa Pilipinas noong 27 Abril 1521. Natalo ng hukbo ni Lapu-Lapu, datu ng Pulo ng Mactan ang mga Espanyol na sundalo sa pamumuno ng Portuges na kapitan at eksplorer na si Ferdinand Magellan. Napatay ng mga tribung sundalo si Magellan, na nagkaroon ng alitang pampolitika at pagkakaribal kasama si Lapu-Lapu. Noong 16 Marso 1521(kalendaryong Kastila), natanaw ni Magellan ang mga kabundukan ng ngayong Samar habang nasa isang misyon upang hanapin ang pakanlurang ruta sa Mga kapuluang Moluccas para sa Espanya. Nang sumunod na araw, inutos ni Magellan na iangkla ang kanilang mga barko sa mga baybayin ng Kapuluang Homonhon. Doon ay kinaibigan niya sina Rajah Kulambu at Rajah Siagu na pinuno ng Limasawa na gumabay sa kanya sa Cebu. Ang hari ng Cebu na si Rajah Humabon at ang kanyang reyna ay binautismuhang Katoliko na kumukuha ng mga pangalang Carlos bilang parangal kay Haring Carlos ng Espanya at Juana bilang parangal sa ina ni Carlos. Upang alalahanin ang pangyayaring ito, ibinigay ni Magellan kay Juana ang Santo Niño bilang tanda ng bagong alyansa. Dahil sa impluwensiya ni Magellan kay Rajah Humabon, ang isang kautusan ay inutos ni Humabon para sa mga kalapit na hepe na ang bawat isa sa kanila ay magbibigay ng mga suplay ng pagkain sa mga barko at pagkatapos ay magkokonberte sa Kristiyanismo. Ang karamihan sa mga hepeng ito ay sumunod dito ngunit si Datu Lapu-Lapu na isa sa mga pangunahing hepe sa loob ng isla ng Mactan ang tanging tumutol. Tumangging tanggapin ni Lapu-Lapu ang kapangyarihan ni Rajah Humabon sa mga bagay na ito. Iminungkahi nina Rajah Humabon at Datu Zula kay Magellan na pumunta sa isla ng Mactan at pwersahin ang kanyang nasasakupan na si Datu Lapu-Lapu na sumunod sa kanyang mga kautusan. Nakita ni Magellan ang oportunidad na palakasin ang umiiral na pakikipagkaibigang ugnayan sa pinuno ng rehiyong Visaya at umayon na pasukuin ang mapanghimagsik na si Lapu-Lapu. Ayon kay Antonio Pigafetta, tinangka ni Magellan na hikayatin si Lapu-Lapu na sumunod sa mga kautusan ni Rajah Humabon sa gabi bago ang labanan. Ayon kay Pigafetta, si Magellan ay nagpakilos ng mga 49 katao na may mga espada, kalasag, pana, at mga baril at naglayag para sa Mactan sa umaga ng 28 Abril 1521. Pagkatapos ay tinangka ni Magellan na takutin ang mga ito sa pamamagitan ng pagsunog ng ilang mga kabahayan sa ngayong Buaya ngunit kilala noon na Bulaia. Ang pagsunog na ito ang nagpagalit kay Lapu-Lapu at kanyang mga mandirigma at umatake kay Magellan na nasugatan sa braso ng isang sibat at sa hita ng isang kampilan. Napanaigan ng mga mandirigma ni Lapu-Lapu si Magellan na sinaksak at tinaga ng mga sibat at espada. Nagawa nina Pigafetta at iba pa na makatakas. Ayon kay Pigafetta, ang ilan sa mga tao ni Magellan ay napatay sa labanan at ang ilang mga katutubong naging Kristiyano na tumulong sa kanila ay napatay ng mga mandirigma ni Lapu-Lapu. Walang opisyal na mga rekord ng bilang ng mga namatay ngunit binanggit ni Pigafetta ang hindi bababa sa 3 Kristiyanong sundalo kabilang si Magellan. Ang mga kaibigan ni Magellan na sina Raja Humabon at Datu Zula ay hindi sumali sa labanan dahil sa kautusan ni Magellan at nanood sila mula sa malayo. Inulat ni Pigafetta na nagpadala ng mensahe si Humabon na kung ibabalik ng mga mandirigma ang mga katawan ni Magellan at mga tripulante nito, sila ay bibigyan ng kasing daming kalakal na naisin nila. Ang tugon ni Lapu-Lapu ay “Hindi namin ibibigay ang katawan ng kapitan para sa lahat ng mga kayamanan ng mundo dahil ang kanyang katawan ay tropeo ng aming pagwawagi laban sa mga mananakop ng aming baybayin”. Ang ilan sa mga sundalo na nakaligtas sa labanan at bumalik sa Cebu ay nilason sa pistang ibinigay ni Rajah Humabon. Si Magellan ay hinalinhan ni Juan Sebastián del Cano bilang komander ng ekspedisyon na nag-utos ng mabilis na paglisan matapos ang pagtatraydor ni Humabon. Si Del Cano at kanyang armada ay naglayag pakanluran at bumalik sa Espanya noong 1522 na bumubuo sa paglibot ng mundo.

Lapu-Lapu

Si Lapu-Lapu (nakilala 1521) ay isang datu sa pulo ng Maktan, isang pulo sa Kabisayaan, Pilipinas, na nakilala bilang pinakaunang katutubo ng kapuluan na lumaban sa pananakop ng mga Kastila. Siya rin ang dahilan ng pagkamatay ng manlalakbay na si Fernando Magallanes. Itinuturing siya bilang pinakaunang bayaning Pilipino. Kilala rin siya sa mga pangalang Çilapulapu, Si Lapulapu, Salip Pulaka, at Khalifa Lapu o Caliph Lapu (ibinabaybay din bilang Cali Pulaco), subalit pinagtatalunan ang pinagmulan ng mga pangalan nito.
Ang mga mamamayan ng Kapuluan ng Sulu ay pinaniniwalaan na si Lapu-Lapu ay isang Muslim na mula sa mga Tausug. Pinaniniwalaan din na si Lapu-Lapu at at Rajah Humabon ay mga nagtatag ng Kasultanan ng Cebu.
Bilang isang pinuno ng Maktan, si Lapu-lapu ay sadyang may matibay na paninindigan. Bilang patunay dito, ay mariin niyang pagtanggi sa mga mapanlinlang mga alok ni Magellan. Ayon kay Magellan, bibigyan niya ng magandang posisyon at natatanging pagkilala si Lapu-lapu, subalit kapalit nito ang pagkilala at pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang nasasakupan at sa ilalim pa nito, ay ang sakupin ang buong Pilipinas at angkinin ang mga lupang tunay na pag-aari ng mga nitibo at partikular na ang kamag-anak at pamilya Lapu-Lapu (Lapulapu). Labis na ikinagalit ni Magellan ang pagtanggi ni Lapu-lapu sa kanyang alok.
Samantala, isang anak na lalaki ni Datu Zulla, kaaway ni Lapu-lapu, ang pumanig kay Magellan at kanilang binuo ang paglusob sa lokal ng Maktan. Hatinggabi ng 26 Abril 1521 nang si Magellan, kasama ng kanyang mga kapanalig na mahigit na isang libo ay naglayag upang sakupin ang lokal ng maktan.Sa Opon kung saan matatagpuan si Lapu-lapu noon at sampu sa kanyang mga kaanak. Sa kabilang dako ay handa namang salubungin ito ng may 1,500 mandirigma ni Lapu-lapu. Sila ay nakapuwesto sa may baybaying-dagat. Nang magsalubong ang dalawang puwersa ay nagsimula ang isang umaatikabong labanan sa Maktan. Sa bandang huli ay nagapi ni Lapu-lapu si Magellan nang tamaan niya ito sa kaliwang binti. Si Magellan ay bumagsak sa lupa at dito siya tuluyang pinatay ng mga sakop ni Lapu-lapu. Siya ay namatay dahil sa dalawang Kalabaw sa Batanggas, nang siya’y inimbita ng hari ng Estanza. Nang siya ay naghihintay sa kaibigan nyang nagsasaka, bigla siyang sinugod ng dalawang kalabaw at nawalan ng malay pagkatapos.