Idineklara ang kasarinlan noong 12 Hunyo, 1898, sa pagitan ng ikaapat at ikalima ng hapon sa Cavite sa pinamanang tahanan ni Heneral Emilio Aguinaldo, 30 kilometro timog ng Maynila. Nakita sa pangyayaring ito ang pagwagayway ng Pambansang Watawat ng Pilipinas, na siyang ginawa sa Hong Kong ni Marcella Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza, at ang pagpapatugtog ng Marcha Filipina Magdalo bilang pambansang awit, na kilalala ngayon bilang Lupang Hinirang, na siyang sinulat ni Julian Felipe at pinatugtog ng bandang San Francisco de Malabon.
Ang Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ay inihanda, sinulat at binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista sa wikang Kastila. Ang pagpapahayag ay inilagda ng 98 katao, kabilang na dito ay isang opisyal ng hukbong Amerikano na siyang nakasaksi sa proklamasyon. Ipinahayag ng huling talata na mayroong isang "estranghero" (extrangero sa wikang Kastila, na nangangahulugang dayuhan) na dumalo sa katitikan, si G. L. M. Johnson, na siyang inilarawan bilang "mamamayan ng U.S.A, isang Koronel ng Artilerya". Ngunit ang pahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas ay ipinatupad lamang noong 1 Agosto, kung kailan marami nang mga bayan ang binuo sa ilalim ng mga pamuntunang inilatag ng Pamahalaang Diktaturya ni Heneral Aguinaldo.
Kinalaunan, sa Malolos, Bulacan, binago ng Kongreso ng Malolos ang kapahayagan sa dahil sa paggigiit ni Apolinario Mabini na siyang tumutol sa orihinal na proklamasyon na nagpapahayag na ang Pilipinas ay inilalagay sa ilalim ng proteksiyon ng Estados Unidos.
No comments:
Post a Comment
Write your comment here.