Ang tanggapan ng obispo ng Maynila ay itinatag noong 1578, na may saklaw sa buong pulo ng Filipinas, at katulong ng tanggapan ng obispo sa Mexico. Dumating sa Filipinas ang unang obispo ng nasabing tanggapan, na si Domingo de Salazar noong 1581.
Itinayo ang Katedral ng Maynila noong 1581, na yari sa pawid at kawayan. Nawasak ang katedral sa bagyo noong 1582 at sa sunog noong 1583. Ang unang batong estruktura ay itinayo noong 1592 ngunit gumuho sa lindol noong 1600. Ilang pagpapagawa ang naganap mulang 1603 hanggang 1737 para patibayin ang simbahan. Ngunit nasira pa rin dahil sa lindol na tumama sa Maynila noong 1621, 1645 at 1749. Ang ikalimang estruktura, na may bagong disenyo ang patsada, ay nawasak din noong 3 Hunyo 1863 dahil sa lindol. Noong 1871 ay itinayo ang ikaanim na estruktura sa ilalim ng pangangasiwa ng mga arkitektong sina Luciano Oliver at Serrano Salavarria at ng mga inhinyerong sina Eduardo Navarro at Manuel Bazan. Ang maringal na estrukturang ito ay nawasak muli dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945.
Ang kasalukuyang Katedral ay ginawa noong 1954, sa ilalim ng pamamahala ng Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura na si Fernando Ocampo. Pinasinayahan ang nasabing katedral noong 8 Disyembre 1958 ng Arsobispo ng Maynila na si Rufino Jiao Santos. Itinaas ang ranggo ng katedral sa minor basilica noong 1981 ni Papa Juan Pablo II.
Ang Katedral ay gawa sa arikitekturang Romanesque-Byzantine at may pormang Baroque. Ang patsada ay binubuo ng dalawang palapag na bloke at may tatlong pasukan na may mga ukang arko. Ang mga pintuan ay yari sa tanso na inukit nina Alessandro Monteleone at Francisco Nagni. Nakadikit ang kampanaryo sa kanang panig ng gusali.
Ang Katedral ay himlayan din ng mga dating preladong nagsilbi sa Arsodiyosesis ng Maynila, kahintulad noong St. Peter's Basilica sa Lungsod Vatican. Kabilang sa mga ito si Michael J. O'Doherty, huling Amerikano at dayuhang Arsobispo ng Maynila, Rufino J. Santos, kauna-unahang Filipinong kardinal, Gabriel M. Reyes, kauna-unahang Filipinong Arsobispo ng Maynila at si Kardinal Jaime L. Sin.
Casino Finder (Google Play) Reviews & Demos - Go
ReplyDeleteCheck Casino Finder (Google Play). A get air jordan 18 retro red suede look show to get air jordan 18 retro at some of the best gambling sites in the world. air jordan 18 retro yellow discount They offer a air jordan 18 retro yellow online free shipping full 해외사이트 game library,