Ang Labanan sa Mactan ay naganap sa Pilipinas noong 27 Abril 1521. Natalo ng hukbo ni Lapu-Lapu, datu ng Pulo ng Mactan ang mga Espanyol na sundalo sa pamumuno ng Portuges na kapitan at eksplorer na si Ferdinand Magellan. Napatay ng mga tribung sundalo si Magellan, na nagkaroon ng alitang pampolitika at pagkakaribal kasama si Lapu-Lapu. Noong 16 Marso 1521(kalendaryong Kastila), natanaw ni Magellan ang mga kabundukan ng ngayong Samar habang nasa isang misyon upang hanapin ang pakanlurang ruta sa Mga kapuluang Moluccas para sa Espanya. Nang sumunod na araw, inutos ni Magellan na iangkla ang kanilang mga barko sa mga baybayin ng Kapuluang Homonhon. Doon ay kinaibigan niya sina Rajah Kulambu at Rajah Siagu na pinuno ng Limasawa na gumabay sa kanya sa Cebu. Ang hari ng Cebu na si Rajah Humabon at ang kanyang reyna ay binautismuhang Katoliko na kumukuha ng mga pangalang Carlos bilang parangal kay Haring Carlos ng Espanya at Juana bilang parangal sa ina ni Carlos. Upang alalahanin ang pangyayaring ito, ibinigay ni Magellan kay Juana ang Santo Niño bilang tanda ng bagong alyansa. Dahil sa impluwensiya ni Magellan kay Rajah Humabon, ang isang kautusan ay inutos ni Humabon para sa mga kalapit na hepe na ang bawat isa sa kanila ay magbibigay ng mga suplay ng pagkain sa mga barko at pagkatapos ay magkokonberte sa Kristiyanismo. Ang karamihan sa mga hepeng ito ay sumunod dito ngunit si Datu Lapu-Lapu na isa sa mga pangunahing hepe sa loob ng isla ng Mactan ang tanging tumutol. Tumangging tanggapin ni Lapu-Lapu ang kapangyarihan ni Rajah Humabon sa mga bagay na ito. Iminungkahi nina Rajah Humabon at Datu Zula kay Magellan na pumunta sa isla ng Mactan at pwersahin ang kanyang nasasakupan na si Datu Lapu-Lapu na sumunod sa kanyang mga kautusan. Nakita ni Magellan ang oportunidad na palakasin ang umiiral na pakikipagkaibigang ugnayan sa pinuno ng rehiyong Visaya at umayon na pasukuin ang mapanghimagsik na si Lapu-Lapu. Ayon kay Antonio Pigafetta, tinangka ni Magellan na hikayatin si Lapu-Lapu na sumunod sa mga kautusan ni Rajah Humabon sa gabi bago ang labanan. Ayon kay Pigafetta, si Magellan ay nagpakilos ng mga 49 katao na may mga espada, kalasag, pana, at mga baril at naglayag para sa Mactan sa umaga ng 28 Abril 1521. Pagkatapos ay tinangka ni Magellan na takutin ang mga ito sa pamamagitan ng pagsunog ng ilang mga kabahayan sa ngayong Buaya ngunit kilala noon na Bulaia. Ang pagsunog na ito ang nagpagalit kay Lapu-Lapu at kanyang mga mandirigma at umatake kay Magellan na nasugatan sa braso ng isang sibat at sa hita ng isang kampilan. Napanaigan ng mga mandirigma ni Lapu-Lapu si Magellan na sinaksak at tinaga ng mga sibat at espada. Nagawa nina Pigafetta at iba pa na makatakas. Ayon kay Pigafetta, ang ilan sa mga tao ni Magellan ay napatay sa labanan at ang ilang mga katutubong naging Kristiyano na tumulong sa kanila ay napatay ng mga mandirigma ni Lapu-Lapu. Walang opisyal na mga rekord ng bilang ng mga namatay ngunit binanggit ni Pigafetta ang hindi bababa sa 3 Kristiyanong sundalo kabilang si Magellan. Ang mga kaibigan ni Magellan na sina Raja Humabon at Datu Zula ay hindi sumali sa labanan dahil sa kautusan ni Magellan at nanood sila mula sa malayo. Inulat ni Pigafetta na nagpadala ng mensahe si Humabon na kung ibabalik ng mga mandirigma ang mga katawan ni Magellan at mga tripulante nito, sila ay bibigyan ng kasing daming kalakal na naisin nila. Ang tugon ni Lapu-Lapu ay “Hindi namin ibibigay ang katawan ng kapitan para sa lahat ng mga kayamanan ng mundo dahil ang kanyang katawan ay tropeo ng aming pagwawagi laban sa mga mananakop ng aming baybayin”. Ang ilan sa mga sundalo na nakaligtas sa labanan at bumalik sa Cebu ay nilason sa pistang ibinigay ni Rajah Humabon. Si Magellan ay hinalinhan ni Juan Sebastián del Cano bilang komander ng ekspedisyon na nag-utos ng mabilis na paglisan matapos ang pagtatraydor ni Humabon. Si Del Cano at kanyang armada ay naglayag pakanluran at bumalik sa Espanya noong 1522 na bumubuo sa paglibot ng mundo.
No comments:
Post a Comment
Write your comment here.