Sunday, February 8, 2015

GOMBURZA: Ang Tatlong Paring Martir

Ang salitang Gomburza ay nabuo mula sa pangalan ng tatlong pari, na sina Padre Jose Burgos, Padre Jacinto Zamora, at Padre Mariano Gomez, na binitay noong 17 Pebrero 1873 ng mga Espanyol dahil sa pagbibintang sa kanila sa kaso ng subersyon at pag-uugnay sa kanila sa nangyaring rebelyon sa Cavite noong 1872. Dahil sa kanilang hindi makatarungang kamatayan, sumiklab ang damdamin ng mga Pilipino at nag-iwan ito ng matinding epekto, lalong-lalo na kay Jose Rizal. At dahil dito, inialay ni Rizal ang El Filibusterismo sa kanila.


Padre Mariano Gomez

Ipinanganak noong 2 Agosto 1799 sa Santa Cruz, Maynila, si Mariano Gomez ang nauna na binitay sa Bagumbayan at ang pinakamatanda sa tatlong martir. Siya ay nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas at nagsilbi bilang pari ng parokya sa Bacoor, Cavite. Itinatag niya rin ang pahayagan na La Verdad (The Truth) kung saan ipinapakita nito ang hindi magandang kondisyon ng bansa. Inilimbag din sa pahayagang ito ang mga liberal na artikulo ni Burgos.
Ang kanyang pamosong huling mga salita ay, “Let us go where the leaves never move without the will of God.”

Padre Jose Burgos

Si Jose Burgos, ipinanganak noong 9 Pebrero sa Vigan, Ilocos Sur, ang huling binitay sa tatlong paring martir. Siya ang pinakanatatangi sa tatllong pari dahil sa siya ay nagtamo ng dalawang titulo sa pagkadoktor, isa sa teolohiya at isa pa sa canon law. Isa rin siyang prolipikong manunulat at konektado sa Manila Cathedral.
Ang kanyang kamatayan ang pinakamadula sa lahat. Isa sa mga detalye ng kanyang kamatayan ay nang siya ay tumayo at sumigaw na, “Wala akong ginawang anumang kasalanan!” (“But I haven't committed any crime!)
Padre Jacinto Zamora
Ipinanganak noong 14 Agosto 1835 sa Pandacan. Iniugnay siya sa rebelyon sa Cavite noong 1872 dahil sa kanyang imbitasyon na may nakasaad na,“Grand Reunion... our friends are well provided with powder and ammunition.” Ang mga pahayag na ito ay maaaring mangahulugan ng pagrerebelde, ngunit ito ay isa lamang paanyaya ni Zamora sa kanyang mga kaibigan na sila ay maglaro ng panguigui, isang kilalang laro sa baraha, at ang salitang powder and ammunition ay mga simbolo lamang na sila ay may sapat na salapi upang maglaro buong magdamag.


49 comments:

  1. Anong taon pinanganak si padre Jose Burgos?

    ReplyDelete
  2. well research.very informative!!! Sakit.info

    ReplyDelete
  3. Sobra pong nakatulong

    ReplyDelete
  4. Nakatulong po sya as in

    ReplyDelete
  5. Goddamn this is super helpful

    ReplyDelete
  6. Ano ang ginawa ng tatlomg pari para sa pag usbong ng liberal

    ReplyDelete
  7. Subrang nakatulung saakin at magandang basahin At dun ko na laman na mahalaga na malaman natin ang kasaysayan

    ReplyDelete
  8. Tkyuo po sa pagtulong ng pagsearch akopo si Sidney Lasala gamig lang to ng aking mama! 😊😊

    ReplyDelete
  9. Replies
    1. Sobrang ganda basahin super very helpful thank you so much

      Delete
    2. Ang ganda marami tayong malalaman

      Delete
  10. Iba yung sinearch ko pero okay na din

    ReplyDelete
  11. Takdang aralin ng mga bata ko, ang laking tulong po.
    Salamat po and keep sharing.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Teacher ka po ba?
      Kung teacher ka po public or private

      Delete
  12. Thank you po topic po nmin to rn... Gr. 6 salamat

    ReplyDelete
  13. Ano po yung kinalaman nila o ambag nila sa pagbuo ng kamalayang Pilipino?

    ReplyDelete
  14. thank u it helped so well with home work tnx😊✌

    ReplyDelete
  15. Tama po ba 1872 pinaslang ang gomburza? Kaz sa lecture nang anak ko dalawa lang pag pi2lian 1872 or 1880

    ReplyDelete
  16. Aii 1873 po ang nakalagay dito na pinatay ang gombuza pero sa choices nang answer is 1872 and 1880

    ReplyDelete
  17. Nasiraan po ba Ang loon Ng mga pilipino sa sinapit Ng 3 paring married Tama po o Mali

    ReplyDelete
  18. Ano po ang full name nilang tatlo?

    ReplyDelete
  19. Eto assignment naming nakatulong talaga ng marami thanks

    ReplyDelete
  20. Ano taon ipinaganak si Padre Jose Burgos ?

    ReplyDelete
  21. kailan naganap ang pag.aalsa nang cavite mutiyn?

    ReplyDelete
  22. Ano naman po ang mga naiambag nilang tatlo sa bansa ?

    ReplyDelete

Write your comment here.